Thursday, April 23, 2009

Ladies vs Gentlemen: Bakit May Humor Gap?

April 23, 2009


Hmmmm…bakit parang may humor gap? Watchuthink?

Because there really is.

Now, that is one of the difference between men and women. What he finds amusing and funny in general, she may find cheap, cocky, an attack to the female kind (What?!, Hehehe). What she on the other hand find laughable and entertaining, he may find sarcarstic, cynic and feminist. And do not wonder. You see for what matters for him is a sense of humor, and for her, humor na may sense. If you know what I mean. Hehehe.

Men will laugh at almost anything, because it really is – at least for them (no offense, Hehehehe). Usually at those with sexual connotations/suggestions, and aggression towards the same sex (to put down their “competitors” as humor by men is used to attract the opposite sex – which would explain why they say, men can laugh women into bed, literally). Hehehe. Watchuthink?

Women on the other hand are not like this. They don’t share the same goal (to appeal to men), much more expect the same reward (to be laid to bed by the opposite sex). If men would laugh at almost anything, women on the other hand, are swift to locate the unfunny (and thus more “selective, particular, picky”), slower to get the joke and more pleased when they do. Really, girls, no offense, hehehehe. Watchuthink?

The humor gap between the genders has been explained by a study of 10 men and 10 women asked to rate 70 black and white cartoons on the “funniness scale” in Standford School of Medicine. It has been seen that:

Men and women share much of the same humor-response system; both use to a similar degree the part of the brain responsible for semantic knowledge and juxtaposition and the part involved in language processing. But they also found that some brain regions were activated more in women. These included the left prefrontal cortex, suggesting a greater emphasis onlanguage and executive processing in women, and the nucleus accumbens … which is part of the mesolimbic reward center.

Which in simple terms, translate to “difference”. Hehehehe.

Now, there are always exceptions to the rule. For, individuals to find something humorous, do not depend on hormones, gender or instinct alone, but on a lot more variables like culture, maturity, education and intelligence.

Which would explain why there are women who could laugh men into bed. And why there are men who are witty. Hehehehe. Watchuthink?

Again, no offense. Peace.

Wednesday, April 15, 2009

Corruption in the Philippines: Bayaran na naman ng Tax

April 15, 2009

Nais ko lang ibahagi ang sumusunod. Nainspire lang isulat. Hehehe. Kahit walang moral lesson. Medyo huli na nga lang. Kasi last day na ng bayaran. Watchuthink?
Posted on: Apr 15, 2009, 12:07 PM

Bayaran ng naman ng tax.

Sakay ako ng bus. Tulog. E ikaw kaya magising ng maagang maaga. Para magbayad ng tax. Sino kaya ang di pipilling matulog na lang. Ng mahimbing. Yung tipong di na magigising. Hehehe. Sa banyo. Habang naglalakad. Ah, sa bus na lang. At oo, alam kong tulog ako. E nagising ako e. Hehehehe. Ng ratsada ng isang matandang lalakeng nakaupo sa bandang unahan ko. Abay akala ko nanaginip ako e. Ng matandang lalake, namputsa naman?!!!! Bakit ba di na lang ng dalaga. O kaya binata. Hehehehe. Wag lang ng syientonwebe anyos! E yun daw edad nya e. Hehehehe. Nung una di ko alam kung saan ako nagising. Sa edad, sa boses o sa amoy ng matanda. Hehehe. Ngunit nung mahimasmasan. Sigurado ako. Llitany nya ang gumising ng kanina lang ay nagpapahinga kong diwa:

“Wala ng pagasa ang Pilipinas! Matindi na ang korapsyon dito. Ang pulitika ginagawang negosyo.”

Muntik na akong magpara. Nagalinlangan. Magbayad ng buwis? O bumili ng tiket. Papuntang America. Maluwag naman ang tourist visa. At mag-TNT na lang. Abay pareho lang atang sugal. Ang pamamalagi dito at ang pagtatago sa ibang bansa. Tiyak mas malaki pa maiipon ko. Hhmmmmm........ Sayang. At tulog nga ako kanina. Madami na syang sinabi e. Alam ko. Kasi nga narinig ko sa panaginip. Ewan ko ba naman at di ko maala ngayong gising na ako. Nangyari na ito e. Tuwing mananaginip ako ng numero sa lotto. Nyahahahaha. Sabi pa nya:

“Talamak na nga. Buti na lang taga-amerika ako. Kahit sino pa paupuin mo dyan, e kung yung nakapaligid naman e corrupt din, e ganun din. “

Hmmmmmmmmm.....(iba ibig sabihin niyan, hehehehe). Me biglang sumaglit sa isip ko. Intermission.

“E abugado ako. Sabi nga sa yo kanina, dami ko na nakita. Halehalimbawa. Sa branch ___ ng supreme court. Stenographer. Nakakatanggap ng bonus na 100T”

Sabay singit ng kasama niya:

“Baka me makarinig sa yo”

Sabay tingin sa akin? Ano ba? Pagdudahan ba ako? Sa gandang lalake kong ito? O babae? Sabagay tama siya. Narinig ko nga. E ano ngayon? Hehehe. Nahulaan atang isusulat ko ito. E gusto ko e.

“E wala ako pakialam.” (E ako din. Sabi ko sa sarili ko.)

“79 years na naman ako. Handa na akong mamatay.”

Hmmmmmmmmm....Napaisip na naman ako. Ng ibang bagay. Hehehehe. Na masarap. Nyahahahaha. Gutom na ako e. Di ko tuloy masyadong narining ang iba niyang ratsada.

“Dati iniisip ko. Yungmayayaman bakit nasali pa sa pulitika. Me pera na, hahanap pa ng sakit ng ulo?”

Ah, alam ko sagot diyan. Power.

“Si ________, di bilyonaryo, kundi multibilyonaryo. Pero ano? Namulitika pa rin. E minsan sumabay ako ke councillor __________. Wala namang emergency. E matrapik. Sabi niya, patabihin mo nga konti. Nagwangwang. Biglang nahawi. Ambilis tuloy naming. Narealize ko, ah, power.”

Kitam?

“Mantakin mo, councillor pa lang yan. Isipin mo na lang kung ano ang kayang gawin ng presidente. E kaya nga si _________, sumali pa, e para proteksyonan ang negosyo.”

Malas. City hall na. Kelangang magdesisyon. Bilis. Ah, bababa na lang ako. Tapos. Kung sakaling magbago isip. Sa pagbabayad, e sasakay na lang ulit. Pauwi. Nyahahaha! Ngunit, datapwat, subalit, naisip ko bigla. Ang aking pending application. Kelangan ang record, malinis. Pansamantala, hehehe. At isa pa, paano ako makakapagreklamo sa sistemang bulok, kung ako’y papakabulok? Nagmamalinis? Medyo lang.

So ayun, luminya ako. At kasunod ng aking pagninilay nilay. Sa kung anong oras na naman. Makakauwi. Sa pagkahaba habang pila. Naramdaman ko ang lungkot. Habang pinipilit kong imaginin ngunit di ko lubos na maisip sa kung kaninong bulsa na naman mapupunta ang perang pinaghirapan. Sa kung ano na namang maiskandalong proyekto ilalagak, sa magkanong komisyon? Sila lang nakakaalam.

Sa kung kaninong sakripisyo?

Ahhhh....

Bayaran na naman ng tax.